2 DRUG-CLEARED BARANGAYS IN THE CITY

10/2/20231 min read

Muling pinaranagalan ng PDEA Region I ang dalawang panibagong baranagay na dumagdag sa listahan ng drug-cleared barangays ng naturang ahensya.

Ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Julier “Ayoy” Resuello ay lubos na nagpapasalamat sa mga kapitan sa walang sawang pagtatrabaho nito upang mapanatili at nadagdagan ang listahan ng mga drug-cleared barangays.

Kasabay din nito ang muling pagkilala sa 49 na barangay na napabilang sa retention of drug-cleared barangays at pagbibigay ng certificate of resolutions.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng kinatawan ng PDEA Region 1 BDCP Officer Mary Jean Botes, CLGOO/LGOO VI Romarie Soriano, San Carlos PNP Chief PLTCOL Jose Abaya, Secretary to the Mayor Jhuliano Nazareno-Resuello, City Health Officer Dr. Edwin Guinto at CSWDO Ma’am Caryl Flordeliz.